Friday, November 28, 2008

bleeding love

masyado kang nabulagan sa buwan kaya di mu na nakita ang bituin...di mo man lang naisip na once to thrice a month lang yun lumalabas samantalang ang bituwin kada pagkatapos ng bagyo nililiwanagan ka! getz mo? for sure hindi...full moon e! badtrip ='(

Tuesday, November 25, 2008

NOVEMBER 2008


November 24, was one of the saddest day of my life...my friend Jap lost his cellphone, i was sad when i didn't found out yet that he lost it because that day he wasn't texting me cause we usually greet each other and like tease each other night and day until someone will cry (that would be me), i was use to that kind of sweetnes he have until he sent me a comment on my friendster saying "Oyen....oyen nwala cp ko knina" i was like what?how?where?when and now what? lol i know i even sound like her girlfriend but i'm not...i'm just one of his girl friends....now it's his second day of not having phone on the twentieth century and i am so sad...though he lost his phone already i was still texting him...haha..i know...i am just used to it...like i was used of eating cadbury...so addictive!


jap amishooooooo...


november 27, someone missed called me and its Jap! he has his Girl friend's phone =D
yehei...

Saturday, November 22, 2008

Ang Pinsan kong Berat. (like me) haha

ang pinsan kong kaydai-daing pinagdaraanan
hindi mo maiisip na kanya i2ng mkakayanan
kinalaban ama, ina kapatid maliban sa kaibigan
ng makilala ko ito humanga ako ng lubusan.

o aking sexing pinsan (like me)
sana naman ikaw ay pakinggan
di lamang ng mga taong mahal
pati nadin ng Poong my kapal.

sana naman ikaw ay may natutunan
sa maiksing oras na ating pinagsamahan
nawa'y magtino ka na ng totohanan (like me?)
alalahanin na ang pamilya'y hindi kalaban.

basta palagi mo lamang pakatatandaan
alang binibigay ang Diyos na di kakayanan
pag may problema siya'y iyong tawagan
dika bibiguin at laging ika'y iingatan.

(eheheh--i love you cousin...wag ng berat, have a clean heart and open mind...may dahilan si GOD sa buhay mo tandaan mo yan..mawawala ang lahat ng bagay pero hindi ang pag-ibig pero dapat maging matalino ka din dahil ang puso ay madaya...nagsalita ang magaling ano??hahaha)
GOD BLESS Y'ALL and ung Tagaytay ko ha!ehe..mua

Numbers 32:23.

You have sinned against the Lord; and be sure your sin will find you out.

This text was regularly quoted by my mother. She was right.

Two London women struck up a conversation, and the topic got around to their husbands. They then were seen to rummage in their purses. One pulled out a photo and said, 'That's my husband.' The other did the same - and it was the same man. Result: an ageing ex-romeo arrested for bigamy.

In medieval times, sins were real, and specific. So was hell. These days, we are more prone to feel shame than guilt. As someone put it, 'Sin, that old dynamo, has lost much of its power since we ceased to believe in hell.' We don't call it sin today, said one (honest) cynic, we call it self-expression.

We reap what we sow. If we sin, we are punished not for our sins, so much as by them. And sins cannot be undone, only forgiven.

I will arise and go to my Father and say to him, Father, I have sinned against heaven, and against you, and am no longer worthy to be called your child.
My child, your sins are forgiven you. Amen
.

by yen

NASASAKTAN NA AKO ULIT KAYA ALAM KO UMIIBIG NA AKONG MULI.

Wednesday, November 12, 2008

sa oras ng aking pagtatanong ako'y sinagot

Hindi ko rin lubusan maisip kung bakit hirap na hirap na nga ang mga tao ay pilit pang pinagsisiksikan ang nais nilang mangyari, pero sa halip nababalewala lang ang mga ito dahil “Kung hindi nga daw ukol ay hindi bubukol” pero sa isang banda sinasabi naman nila na huwag kang sumuko bagkus iyong labanan…haha kanta ba ito?…kung tutuusin hindi naman dapat magulo ang mundo (ayon lang sa aking pananaw pero kung iyo namang ipipilit ang iyong pananaw na salungat sa akin ay hindi nga tayo magkakaintindihan) dahil kaya nga nilagay ng Diyos ang utak sa ulo hindi sa siko para ito ang maging mas-makapangyarihan sa sitwasyon ng pag-iisip, pumapangalawa lamang ang puso. akin ngang naalala ang isa na kinukunsidera kong guro na si BEM na palagi niyang binabanggit sakin “mind over matter” tama nga naman hindi ba? kasi ang problema kapag nasaling na ang emosyon ng kahit na sinong nilalang hindi na nito pinaiiral ang katalinuhan bagkus ay ang pabuka-bukarang desisyon na kung gustong manapak ay sasapak nalang o kaya naman kung nais manumpa ay bibitiw nalang ng mga masasakit na salita sabay irap! ngunit kung atin nanamang uungkatin ang mga makalumang Ideolohiya (nga ba?) na dapat “pag-isipan munang maigi ang isang bagay bago gawin” pero sa lagay ang nangyayari ay “saka mo na lamang pagsisihan yung mali na magagawa mo…tapos na kasi eh” hindi ba napakagulo ngang talaga? isa pa na pilit namumuwisit sa kukote ko ang palagi ko na lamang nadidinig sa mga tao… “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay dili makararating sa paroroonan” ngunit saad naman sa isang bersikulo sa Biblia na “Huwag nang llingunin ang nakaraan bagamat magpatuloy na lang” (Filipos 3:12-14). kung ating hihimayhimayin ang mga iba’t-ibang bagay at mga tanong na hanggang ngayon ay ala pa ring kasagutan o kung mayroon mang kasagutan ang imga ito ikaw ba’y maniniwala? dahil hanggang wala sa katinuan ang utak ng isang tao hindi nya maiintindihan ang mga bagay na iginuhit na ng Poong Maykapal sa mundong ito. isa pa na kina-aasar ko ay ang mga masyadong pagmamalaki at pagmamayabang ng mga “ATHEIST” na ipinipilit nilang walang Diyos at hindi sila naniniwala sa anu mang may kaugnayan sa Diyos (ang Diyos na tinutukoy ko ay nagsisimula sa malaking Letra hindi sa maliit na letra na maaari mong bilin sa mga taong naglalako sa kalsada) pero ang totoo binabasa naman nila ang Biblia at ang mas nakakapika pa ay pinipilit nila na madaming maling nakalathala sa Biblia…O sige sabihin mo nga, ikaw na Atheista kung anong mali ang nakasulat sa Bibilia at kung kaninong pamantayan mo ito ibinase? dahil kung sayong isip lamang ito nagmula, mamatay man ako hindi kita paniniwalaan! bakit? dahil kung ikaw nga mismo sa sarili mo madami kang hindi maintindihan at mapaliwanag na bagay na pinipilit mo lamang na ang diyos ay ang sarili mo na ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong impierno bakit ako maniniwala sayo? kung ating susumahin isinaad sa Biblia na hindi natin kayang lurukin ang isipan ng Diyos pagkat ang isip ng Diyos ay hindi isip LANG ng isang tao lalo na at katulad mo! oo, maaaring madaming magkakasalungat na bagay sa mundo pero hindi kahulugan noon na mali ang pagkakadisenyo ng Diyos, oo, marahil tayo ang gumagawa ng sarili nating katagumpayan at kapahamakan pero sa dulo’t dulo nito nandun nakatunghay ang Diyos, malamang iyong iniisip na bakit alam naman ng tinutukoy kong Diyos na magkakasala si Eva at Adan at mahuhulog sila sa pita ng kasalanan bakit pinahintulutan pa ito ng Diyos kung talangang alam niya ang lahat ng bagay at pangyayari na wari mo kung gaano kadami ang tao ay ganun din karami ang mata at kamay niya ay bakit pa niya pinahintulutang mangyari ito at tignan mo eto tayo ngayon at nagkakagulo sa mundo ay tanging siya lamang ang nakakaalam a kung ipipilit mo nanaman ang iyong alam eto ang para sa iyo (Isaias 55:8-9) basahin mo.

FRIENDSTER BILANG UTOPIA

(^___^)


merong sinusunod na patakaran sa pag-uumpisa ng isang artikulo at sa mga pagkakataong eto, hindi ako susunod. hindi ako kayang diktahan ng mga sinaunang manunulat kung paano dapat magbahagi ng iniisip, kung kanino dapat magbahagi at hanggang kelan dapat magbahagi. pag binanggit mo sa akin ang salitang dapat, tatanungin ko sayo kung kaninong pamantayan ang pinagbabasehan mo, kung kaninong timbangan ang ginagamit mo, kung saang anggulo ka naroroon at kung saang gawi ka tumitingin. iimbitahin kita saglit na kumuyakoy sa modernong lipunan na eto, malaya kang magdesisyon kong teternuhan mo ng pagyoyosi ang pagbabasa o pansamantala mo munang papanisin ang laway mo habang nakaantabay ka sa mga linyang ihahain ko sayo. malaya ka ring magdesisyon kong papasuin mo ang ngala-ngala mo ng napakainit na kape habang tumatango ka o umiiling.

at kung sakaling may mga paniniwala ako na sumasalungat ng sagad sa paniniwala mo, hindi matatapos dun ang pagdidiskurso natin. dahil baka may dalawang pisngi ang katotohanan. baka pareho tayong may pinupunto. hindi kinakailangan na ang kultura ko ay maging kultura mo rin bago tayo maggalangan. isang bagay lang ang hihilingin ko sayo kung sakaling sumalungat ka. at ang paghiling na yan ay alang kinalaman sa kapakanan ko kundi sa pakinabang na pwede mong makuha sa pamamagitan ng pagpapaunlad mo ng pagkatao mo. isagad mo ang pagpapahalaga sa komunikasyon, sa diskurso, sa pagbubukas ng malawak na isip para mabigyang linaw ang mga bagay na malabo. hindi kumukupas ang saysay ng binitiwang mga salita ni socrates, ang itinuring na pinakamatalinong tao ng kanyang panahon…"hindi buhay ng tao ang buhay na hindi kinikilatis…" at ang pangingilatis ay isang mahabang proseso. hindi basta kumurap ka ay may sagot na sa mga tanong na nakabalandra sa utak mo. ang paghahanap ng sagot ay isang bagay na ikaw lang ang makakagawa maski na nga ba ang sagot ay pwedeng magmula sa iba. dahil kahit na maghain ang iba ng sagot, ikaw at ikaw pa rin ang magpapasya kung yun ba ang sagot na tumutugon sa mga tanong mo. at kung sakaling isinagad mo na ang pagtatanong at tenernuhan mo pa ng tambling ang paghahanap mo ng sagot pero ang tanging nakukuha mong sagot ay "ewan", makahalata ka na na kelangan mo nang lumubay kakatanong. pilitin mo na lang na tanggapin sa sarili mo na may mga pagkakataon na ang katotohan ay abot-tanaw lang. kahit na panginoonin mo pa ang katotohan kung talagang iilag yan ng sagad, hinding hindi mo sya mahuhuli. ang tawag dyan sa pilosopiya ay "aletheia"…ang paglubog-litaw ng katotohanan.

sa hindi maipaliwanag na dahilan, marami ang nagtataka kung baket ko pinapatulan ang friendster. marami ang nagsasabi na sinasabunutan nila ang sarili nila dahil hindi nila akalain na bibigyan ko ng panahon ang pakikipag-ugnayan sa mga tao sa pamamagitan ng "lipunang" eto. at para bang bawal ako dito. haha. pag-aaral ng lipunan at ng tao ang pinakapaborito kong gawin kaya ang paglilibot ko sa modernong lipunan na eto ay hindi na dapat pang pagtakhan.

magkakaroon ng hindi iniiwasang paghahambing. kagaya ng nabanggit ko sa ilang sulok ng profile ko, "ang friendster ay isang komunidad na tumutugon sa pangarap ng lahat na maging bida…eto ay ang utopia o ang pangarap na lipunan ng bawat isa…lahat bida, lahat makapangyarihan…kapitan ka ng sarili mong profile maski na hindi ka pa dumaan sa eleksyon." pwede ring maging konsehal mo ang mga kaibigan mo at maging konsehal ka rin nila. pero sideline lang ang pagiging konsehal, alalahanin mo na me kanya-kanya kayong barangay profile na pinamamahalaan.

kung natatandaan mo pa ang kasaysayan, nong araw ay merong umalohokan, ang tagapagpalaganap ng mensahe ng kapitan…kadalasan ang panawagan ay tungkol sa magaganap na pulong sa plaza. pag di ka nagpunta, kakailanganin mong magmulta o di kayay tanggapin mo ang paratang na ala kang pakikisama. pero sa modernong pamayanan ng friendster, maski na isang dosenang beses pa magpost ng iisang announcement ang kahit sino, maski manawagan pa sya ng sagad, kung ayaw mong rumesponde ay ayaw mo lang. pwedeng magbulag-bulagan, pwedeng magbingi-bingihan ng alang matatamong parusa.

hindi maikakaila na eto ang pinakamatao at pinakamodernong komunidad na daluyan din ng tsismis. syempre kung alang sunog, alang usok o kaya pwede mo ring baliktarin, kung alang usok, alang sunog. tatanungin mo pa ba kung alin ang nauuna, sunog ba o usok. kung malaman mo ang sagot ay ano naman.

halatang halata rin kung sino ang mga mahilig magpasikat sa friendster. nakabalandra ang mga litrato na pruweba ng mga masasaya pero nakakabutas ng bulsang mga lakwatsa. mga eksena sa europe, bora o maski bartek-bartekan lang sa kanto sabay tinernuhan ng caption na "please release me, let me go…hahaha". me mga nagpapakita rin ng mga laman ng aparador, ref at kung anu-ano pa. parang handang handa silang magbahagi ng biyaya pero hindi, ipinapasilip lang. inggit ka, belat. haha.

may mga sagad din sa pagiging mapamaraan. kung ang pangalan ay nagsisimula sa letrang z, abay nauuna pa sa pila kesa sa ang pangalan ay nagsisimula sa letrang a. nakow, ayan naman pala tinadtad ng gitling at kung anupang mga characters ang simula ng pangalan. mga alang galang sa alphabetical order ang mga luka-luka. haha. at bat ako nagrereklamo? dahil ba b ang simula ng pangalan ko at nasisiko na nya si letrang a? haha. at maski magmenos ako sa gitling o maski na anong characters, isa pa rin ako sa mga unang makikita kung alang mga pasaway sa pila. haha. eh syempre makikita na ko sa dulo kung lahat ay gagamit na ng singhaba ng sampayan na puro gitling at kudlit na ikakambal sa mga pangalan nila. at bat parang kabado ako sa posibilidad na yan. haha. eh kung bakuna kaya ang pipilahan nyo, magpapasaklolo pa kaya kayo sa mga gitling at kudlit na yan. halata bang masama ang loob ko sa mga gumagamit ng gitling at kudlit. haha.

kapadong kapado ko rin kung sino ang mga hindi sumusunod sa patakaran. halatang halata yung mga handang lumambitin sa bakod maski na nga ba me nakapaskil na ‘gamitin ang gate." ang mga mensahe ay dinadala sa hirela ng mga testimonials. hi ganyan, hi ganito, maglakwatsa tayo sa bora, gale at tumambling tayo sa mga buhangin, sana wag tayong mapwing. o kaya hi ganyan, ganyan ganito, laklakan tayo sa malate, eklat eklat. o kaya nood naman tayo ng concert. hahaha. nag-uulat talaga sa mga kaganapan sa mga buhay nila. approve naman ng approve basta ganyang mga pagpapasikat. pero pag ang laman ng testi ay tungkol sa amoy bullfrog na bibig pag umaga o di kaya’y alipungang ayaw gumaling anumang pilit maski pa kaskasin ng kung anek anek o di kaya’y ang hindi sinasadyang pagkakaihi sa bedsheet maski na tapos ng mag-debut, pustahan tayo maski iulit-ulit mo pang ipadala yun, hindi maaaprubahan. parang kung lacoste ang blouse mo, gustong gusto mong ipinapakitang nakasampay, pero pag me tatak lang na carnation evap o di kaya’y mr. clean, halos takpan mo ng twalya sa sampayan pag me bisita, sukdulang sa isang linggo na sya matuyo, maski na nga ba magkaroon pa sya ng lagulamin…alam mo ang tagulamin? di ko alam kung tagulamin o tagulamig. eto yung parang mga blackheads na dumadapo sa mga damit. gets? o kaya hahayaan mo na lang sya sa sampayan sabay sabing, "kanino ba to?" nagmimistula kang umutot na naninindigan sa hindi pag-amin. nagpapanggap kang galit sa amoy na yun pero ang totoo non, sa bituka mo galing ang amoy na yun. at ang pinakamahinang magpanggap na syang inosente ang pangunahing suspek. dito palang sa simpleng bagay na eto, hindi pa tayo lumalayo, burado na ang hustisya. haha.

me mga hayok na hayok din sa PDA. yung tipong ipinatatanaw nila sa sambayanan ang detalye ng pagbubuhol ng mga kaluluwa nila. haha. at sa mga litrato, nagbubundulan ang mga ulo. o kaya naman ay hubad ang mga katawan na nasa isang kwarto sabay deny na naabot na ang langit. haha. at kung magselosan, halos ultimong libag ng bawat isa hindi pwedeng mapunta sa iba. at nagsusumigaw sa mga caption na ang mundong kinabibilangan nila ay para sa kanilang dalawa lang, wala tayong pakialam kung isang linggo palang silang magkakilala. haha. at pag naghiwalay matapos ang ilang mga linggong nag-untugan ng mga baso at nagbuhat ng sabay ng mga mabibigat na mga kubyertos, halos magnana ang mga mata kakangawngaw, halos basagin ang eardrums kakapakinig sa kantang "how do you heal a broken heart" ni chris walker o kaya "art of letting go" ni mikaila, at halos titigan lahat ng mga letra sa google tungkol sa kung paano sisikaping itakwil sa alaala ang taong kelan lang ay nagmistulang anghel sa buhay mo. at kung dati halos sa paningin mo ay tinubuan sya ng mga pakpak sa kilikili, ngayon ang tingin mo sa kanya ay may dalawang sungay na singtalim ng blade ang mga dulo. at dahil sa hindi ka makapagpigil sa pagsasambulat mo ng emosyon mo, kinukulay-kulayan mo pa ang profile mo. me paggamit ng mga simbolo para maghayag ng damdamin. meron akong nakikitang mga bungo, babaeng me luha na sumisipa ng tuyong dahon, lalakeng me hawak na puso sa palad nya, umaagos ang dugo sa braso nya habang halos yakapin nya ang mga tuhod nya, kulang na lang makakita ako ng mga imahe ng mga ataol dito sa friendster.

maraming pwedeng masaksihang kopya ng mga eksena sa friendster. tinawag ko syang kopya dahil lahat ng nandyan ay pawang duplicate lang ng tunay na eksena. at pag duplicate na lang yan, hindi sya singlinaw ng tunay na eksena. ang makikita ay ang gustong ipakita ng magpapakita. parang ngayon, eto nga bang mga letrang eto ang produkto ng pinakamalalim na pag-iisip ko o eto lang ang mga klase ng pag-iisip na gusto kong ipakita sayo. ang imahe nga ba tungkol sa pagkatao ko na nabubuo sa balintataw mo ngayon base sa mga ideyang ipinapasilip ko sayo ang tunay na ako o yan lang ang imahe na gusto kong buuin mo. ako lang ang tanging nakakaalam ng sagot at anuman ang gawin mo kung hindi ko ipapakita sayo ang sagot ay walang magaganap na pagtuklas sa katotohan. ang ipinupunto ko ay hindi mo dapat ipagluksa ang di mo pagkakaroon ng sagot sa lahat ng mga tanong mo, gaano man kahalaga ang mga yan.

marami rin akong nababasang isinisigaw ng mga tao dito sa friendster. may mga tungkol sa paghahayag ng pananampalataya, pag-ibig at kung anu-ano pa gamit ang mga iba’t ibang uri ng mga bagay(gaya ng ulap, bahaghari, bituwin, araw, at kung anek anek pa) na syang naglalarawan sa mga iniisip nila at nararamdaman. anumang emosyon ay diktado ng utak. ang sakit ay maaaring katotohanan o ilusyon lang. kaya ka nasasaktan ay dahil dinidisyunan mong masaktan. hindi ka kayang saktan ng iba ng ala kang pahintulot dahil ang mga may kakayahan lang na makasugat sa damdamin mo ay ang mga taong may bilang sa pagkatao mo. kung ayaw mo nang patuloy kang saktan ng isang tao ay ala kang unang dapat gawin kundi burahin ang halaga nya sayo. at bago mo gawin yan ay dadaan ka sa proseso ng pagtitimbang. gagamit ka ng talino sa pagpapasya. at pag meron ka pang pagdududa sa pasyang binubuo mo, nangangahulugan lang na may mga bagay pa na hindi malinaw at kailangan mo pa ng sapat na panahon para mag-isip. ang lahat ng mga bagay na nagaganap sa buhay mo ay produkto ng mga nakaraan o maaaring kasalukuyang pagpapasya. walang anumang pagpapasya para sa sarili mong buhay ang hindi dumaan sa pagbibigay mo ng sarili mong pasya. ke pinili mong magpasya o hinayaan mo ang iba na magpasya para sayo, pareho lang yan - may pakikilahok ka sa pagbuo ng pasya.

kapag inimbitahan kita na mag-usap tayo tungkol sa mga bagay na hindi malinaw sa akin, ang ibig sabihin non ay kinikilala ko na may kakayahan kang magbahagi ng tanglaw. sa pagkilatis ko ng mga bagay-bagay, pwedeng hindi ko makita ang gusto mong makita ko, hindi ko marinig ang nagsusumigaw na mga damdamin mo…dahil minsan ang liwanag na nanggagaling sa mga ubod ng linaw na mga bagay ay nagmimistulang liwanag ng araw na mahirap titigan…

kapag inaya kita para sabay nating paunlarin ang mga sarili natin, hindi kita inaaya dahil sa mga bagay na pansamantala…wala akong pakialam kung may potensyal na agarang magmistulang pasas ang balat mo…ala akong pakialam kung maglalaglagan ang mga ngipin mo mula sa gilagid mo at pag kumain ka ng piattos ay wasak sya dahil sa tulis ng sitsirya…wala akong pakialam kung igulong mo ang kulangot mo sa balat ko…wala akong pakialam kung ni singkong duling ay hindi mo kayang ibahagi…dahil alam ko na hindi tayo tulad ng iba…dahil alam ko na tanaw natin ang kaluluwa ng bawat isa…

ngayon sumang-ayon ka sa akin na masyadong maliwanag ang araw, mahirap titigan…at ng dahil dyan, merong naganap na pagbaba sa baitang ng pagpapakatao…merong mga paglabag sa mga karapatan…at kung sino ang may kakayahang umalalay ay syang humalik sa pagwawakas…

Friday, November 7, 2008

sinong mas mahalaga?

Sino ba ang mas mahalaga… Ang taong
mahal mo o ang taong gusto mong
mahalin? Ang taong kasama mo buong
araw o ang taong iniicip mo bago
matapos ang araw? Siya bang
kasakasama mo sa lhat ng ginagawa
mo o siyang dahilan ng lahat ng galaw at
ginagawa mo? Sino ba ang mas
mhalaga…Ung taong nais mong
makasama habang buhay o ung taong
hindi mo makita ang habang buhay
kapag wala siya?cno ang mas
matimbang? Ung taong pag kasama
mo’y parang kay bilis ng oras o ung
taong tuwing iniicp mo’y parang kay
bagal ng oras? Ano ang susundin
mo… Ang dinidikta mo sa puso mo o ang
dinidikta ng puso mo syo? Siya ba un
laging pumapasok sa icp mo o cya un
laging laman ng panaginip mo? Sino nga
ba…ang taong nagpaluha syo, o ang
taong nagpunas sa minsang pagluha
mo? Sino sa kanila…ang taong
nagpapatawa syo o ang taong dahilan ng
lahat ng iyong emosyon? Sino nga bang
pipiliin mo?? ANG TAONG MULING
NAGBUKAS NG PUSO MO? O ANG TAONG MATAGAL NG NANDOON..

What a boyfriend would do….

by jeoffrey:


• Grab her neck when you kiss her, it’s a real turn on. Not her butt/boobs.

• Stay on the phone with her even if shes not saying anything.

• When she’s mad hug her tight and don’t let go then kiss her

• When she says she’s ok dont believe it talk with her

• Never cheat on her because 10 yrs later she’ll remember you

• Call her at 12:00am on her birthday to tell her you love her

• Call her before you sleep and after you wake up

• Treat her like a person and not something to show off for

• Tease her and let her tease you back.

• Stay up all night with her when she’s sick.

• Watch her favorite movie with her.

• TRUST HER WITH HER GUY FRIENDS

• Let her wear your clothes.

• When she’s bored and sad, hang out with her.

• Let her know she’s important.

• Kiss her in the pouring rain.

• When she runs up at you crying, the first thing you say is;
"Who’s ass am I kicking babe?"

:)

Thursday, November 6, 2008

This one's for you

When I get all my expectations
I get Pumped up with blood circulation

The things you say remove agitation
I gotta be healthy, eat vegetation

My attitude uses up my duration
You Only live once, expect opposition

Don't get what you want? It's just a delay.
Not having any patience, will take life away.

Enjoy your time even in a tough day.
Listen to what Jesus has to say.

Don't worry bout tomorrow,
your God the fathers in the know.

This conversations over,
sorry I gotta go.

Wednesday, November 5, 2008

Dear Oliver


I can't understand you
and the things you were trying to prove
that every time you were falling for me
you're stopping yourself from letting things be


why do you keep on hurting me so
cause I didn't know what to do anymore
for I have thought of us as lovers some time
though the only thing that is lacking is me saying I do...be mine


I hope that you'll move on and forget things about her
and that soon you'll realize my existence dear Oliver
cause I have fought for you long time before
hope that you'll fight for me now much more


(this poem is dedicated to YOU...I think you know who you are...I'm sorry I have fallen for you already)

my creepy birthday party (10-30-08)

i had the most creepiest one (i think) lol... because my cousins and i acctualy planned on celebrating my birthday swimming, but because the weather didn't get along with our plans we just stayed home till the rain stopped and on the afternoon of the 30th of October we went to the cemetery...yes we visited our grannies (dead ofcorz) and we had fun actually a happy creepy birthday celebration! hahah! and that evening we had BBQ (complements of dearez-Swa) and SISIG (part2) and ICE CREAM and CREMA DE FRUTA (complements by jhel and Erick) i just wanna thank my cousins my tito and tita and my mudra for completing my day! to my ever beloved ate and paul and kuya jason and my whole family my friends who greeted me through mails and sms and fs and personally, the Bethanians, and the Staffs! and on the 31st day we celebrated our HALLOWEEN in the pool finally! (pahabol) hahah! it was fun and yesterday we re-visited cemetery (NOV1) and there you go...tired...and exhausted...lol... it's all fun...i love my cousins and my whole family...kahit sa mga hindi nakapunta...okay lang...next time try nyo ju-moin...wahahahahahah!!! i love my cousins...Thank you for making my day! till next time!


(btw...i was so happy when HE texted like 5min. before my birthday, he is one of those person who greeted me that night...i was touched on what he said...it was so sweet...eeehhhkk)