Wednesday, November 12, 2008
sa oras ng aking pagtatanong ako'y sinagot
Hindi ko rin lubusan maisip kung bakit hirap na hirap na nga ang mga tao ay pilit pang pinagsisiksikan ang nais nilang mangyari, pero sa halip nababalewala lang ang mga ito dahil “Kung hindi nga daw ukol ay hindi bubukol” pero sa isang banda sinasabi naman nila na huwag kang sumuko bagkus iyong labanan…haha kanta ba ito?…kung tutuusin hindi naman dapat magulo ang mundo (ayon lang sa aking pananaw pero kung iyo namang ipipilit ang iyong pananaw na salungat sa akin ay hindi nga tayo magkakaintindihan) dahil kaya nga nilagay ng Diyos ang utak sa ulo hindi sa siko para ito ang maging mas-makapangyarihan sa sitwasyon ng pag-iisip, pumapangalawa lamang ang puso. akin ngang naalala ang isa na kinukunsidera kong guro na si BEM na palagi niyang binabanggit sakin “mind over matter” tama nga naman hindi ba? kasi ang problema kapag nasaling na ang emosyon ng kahit na sinong nilalang hindi na nito pinaiiral ang katalinuhan bagkus ay ang pabuka-bukarang desisyon na kung gustong manapak ay sasapak nalang o kaya naman kung nais manumpa ay bibitiw nalang ng mga masasakit na salita sabay irap! ngunit kung atin nanamang uungkatin ang mga makalumang Ideolohiya (nga ba?) na dapat “pag-isipan munang maigi ang isang bagay bago gawin” pero sa lagay ang nangyayari ay “saka mo na lamang pagsisihan yung mali na magagawa mo…tapos na kasi eh” hindi ba napakagulo ngang talaga? isa pa na pilit namumuwisit sa kukote ko ang palagi ko na lamang nadidinig sa mga tao… “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay dili makararating sa paroroonan” ngunit saad naman sa isang bersikulo sa Biblia na “Huwag nang llingunin ang nakaraan bagamat magpatuloy na lang” (Filipos 3:12-14). kung ating hihimayhimayin ang mga iba’t-ibang bagay at mga tanong na hanggang ngayon ay ala pa ring kasagutan o kung mayroon mang kasagutan ang imga ito ikaw ba’y maniniwala? dahil hanggang wala sa katinuan ang utak ng isang tao hindi nya maiintindihan ang mga bagay na iginuhit na ng Poong Maykapal sa mundong ito. isa pa na kina-aasar ko ay ang mga masyadong pagmamalaki at pagmamayabang ng mga “ATHEIST” na ipinipilit nilang walang Diyos at hindi sila naniniwala sa anu mang may kaugnayan sa Diyos (ang Diyos na tinutukoy ko ay nagsisimula sa malaking Letra hindi sa maliit na letra na maaari mong bilin sa mga taong naglalako sa kalsada) pero ang totoo binabasa naman nila ang Biblia at ang mas nakakapika pa ay pinipilit nila na madaming maling nakalathala sa Biblia…O sige sabihin mo nga, ikaw na Atheista kung anong mali ang nakasulat sa Bibilia at kung kaninong pamantayan mo ito ibinase? dahil kung sayong isip lamang ito nagmula, mamatay man ako hindi kita paniniwalaan! bakit? dahil kung ikaw nga mismo sa sarili mo madami kang hindi maintindihan at mapaliwanag na bagay na pinipilit mo lamang na ang diyos ay ang sarili mo na ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong impierno bakit ako maniniwala sayo? kung ating susumahin isinaad sa Biblia na hindi natin kayang lurukin ang isipan ng Diyos pagkat ang isip ng Diyos ay hindi isip LANG ng isang tao lalo na at katulad mo! oo, maaaring madaming magkakasalungat na bagay sa mundo pero hindi kahulugan noon na mali ang pagkakadisenyo ng Diyos, oo, marahil tayo ang gumagawa ng sarili nating katagumpayan at kapahamakan pero sa dulo’t dulo nito nandun nakatunghay ang Diyos, malamang iyong iniisip na bakit alam naman ng tinutukoy kong Diyos na magkakasala si Eva at Adan at mahuhulog sila sa pita ng kasalanan bakit pinahintulutan pa ito ng Diyos kung talangang alam niya ang lahat ng bagay at pangyayari na wari mo kung gaano kadami ang tao ay ganun din karami ang mata at kamay niya ay bakit pa niya pinahintulutang mangyari ito at tignan mo eto tayo ngayon at nagkakagulo sa mundo ay tanging siya lamang ang nakakaalam a kung ipipilit mo nanaman ang iyong alam eto ang para sa iyo (Isaias 55:8-9) basahin mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment