Saturday, May 9, 2009

GOD SALAMAT PO

sa totoo lang dumadaan pa din ako up to now sa bagyo ng buhay ko. dumating sa point yung buhay ko na inakala ko na madali lang, pero mali ako dahil di kinaya ng utak ko ang mga biglaang pangyayari at nawindang ako. masakit para sa akin na maloko at saktan ng tao na mahal ko, mabuti na lang the table did turned around and i am somehow happy na ngayon. di ko alam, i mean alam ko na di dapat makipag relasyon ang kapwa Kristiano sa mga hindi Kristiano dahil nga may batas ang Dyos dito II Cor. 6:14. pero sa kabilang banda meron ding natala sa Biblia na maaari kang maging dahilan para makakilala sa dyos ang iyong kabiyak. sa ngayon ang alam ko lang may dahilan ang Dyos sa lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon dahil diko din lubos maisip kung paanong unting unti nyang inaayos ang mga gusot na dinaanan ko. sya na din mismo ang tumulong sa akin, bagamat sa ngayon magulo pa din ang mga bagay bagay pero alam ko magiging maayos din ang lahat. magiging masaya din kami ng tuluyan ng honey ko, liligaya na din ako at mawawala ng lahat ng alinlangan ko dahil alam ko di kami pababayaan ng Dyos, mabuti sya at di nya hahayaang mapahamak ang mga tao lalo na ang mga anak nya, lalo na ako, kami ng honey ko. mahal na mahal ko sya bagamat masakit at mapait ang pinagdaanan at naging simula namin pero umaasa ako sa tamamng panahon at malapit na yun, aayusin din ng Dyos ang lahat ng bagay at di na ako iiyak ulit ng dahil sa sama ng loob, sobra kong mahal si alvin pati buhay ko kaya kong ibigay, sana lang talagang mahal nya ako ng higit pa sa buhay nya tulad ng sinabi nya. Lord maraming maraming salamat po sa lahat at kayo po ang patuloy na manguna at maghari at gumabay sa relasyon namin ng honey ko. maraming maraming salamat po at binigay nyo sya sa akin, alam ko po may dahilan kayo sa lahat ng ito, God alam ko magiging maayos na ang lahat. thank you po. I LOVE YOU.

1 comment:

Fei Yie. said...

I agree that sometimes God uses us to let our partner know Him. And eventually he/she will live for Him, if that's His purpose. I'm happy for you! May you always watch over him and pray for him in this new journey of life, the road where Jesus is the center of our lives. And thanks for the nice words on my blog. My readers are my inspirations to write! hehe.