Tuesday, May 19, 2009

di kapanipaniwala


OO na... In Love Na ako... magagawa ko? kala ko di ko na makakalimutan si Jeff tapos biglang pana ni kupido pucha aray! sakto! tumama! hahah! kamakailan lang natatandaan ko pa, Desyembre yun eh, magpapasko katext ko si mareng muging ng ganito:
marz: marz matatapos na naman ang taon wala pa tayong boylet... hahaha
ako: xete, wag mu na nga pinapaalala? mas malupet ako mag-bebente kwatro na loveless pa!

Kita mo nga naman noh? tapos kung babalikan mo yung mga blog ko nung December puro patungkol kay Jeff yun, yung pambihirang lalakeng ipinagkait sakin ng tadhana! haha! (mahal na mahal ko yun dati eh, isipin mo Siyam na taon na wala na akong binanggit na ibang pangalan kundi JEFF!?)

Tapos ng pagsapit ng bagong taon, di ko talaga akalain na magkakaganito ang buhay ko! (bawal mang magmura pero pambihira! SIYETe...) biglang gumulo ang mundo ko! na inlove ako eh! ang gulo talaga lalo na nung una, akalain mo naranasan kong lait-laitin ako, pambihira, makita ko ang mga itsura ng mga yun josko PATAWARIN kayo! oo di ako perpekto, tao lang... bakit ikaw perfect? (OO NA! MAGMAGANDA KAYO! SINALA KAYO SA BUNOT! PERO KUNG DI KO PA ALAM NA KUNG DI PA KAYO MAG-PONDS AT POWDER WITH MATCHING MAXI-PEEL DI PA KAYO DADANDA!... SIGE LAITIN NYO AKO! KALOKANG MGA ITO! mas madanda pa din ako sa inyo... P-E-R-I-O-D hehe)

pero ngayon, masayang masaya na ako... SUBRA! finally i'm with the man long i've been waiting for. i love my honey so much!

No comments: