Saturday, January 10, 2009

Traysikel (manong sa Nueva Ecija po...)



ANG TRAYSIKEL... bow

Laki akong probinsya, diko yuon kinakahiya. Hindi tulad ng iba...nakatungtong lng ng MRT hindi na alam kung paanong pumara ng traysikel dito sa Nueva Ecija. natatandaan ko pa ng nag-ojt ako dyan sa isang Hotel sa Makati (HRM student pa lang ako nuon) may nabalitaan kami na nangyari sa isang kuya-kuyahan namin na nag-ojt din sa ka-Maynilaan. May naging costumers daw sila sa isang Restaurant sa Hotel na mga "OJT-NURSING STUDENTS" ... nagkakwentuhan ng konti, nagka-alaman silang pare-pareho palang pala silang mga estudyante, mga nag-O-OJT pare-pareho inshort. eka ng isang Nursing Student "Saang Eskwelahan kayo?" (ganyan ang tanong pero Ingles yun...tinagalog ko lang) pagkatapos magtanong idinugtong ang mamahaling eskwelahan ng mga Nursing Students... dun daw sila nag-aaral. "SA ABE INT'L SCHOOL KAMI" yaan naman ang sagot ni kuya sabay ngite... "ABE? San yun?" tanong ng isang estudyante... "Yun yung School na prinopromote ni Kristine Hermosa... Tanga!" wika naman ng kasama nitong barkada... "Ah...dun ba? diba wala daw PERMIT yung school na yun sabi sa balita sa DOS?!" ... pagmamagaling naman ng isa... "Yung ibang branch medyo may problema pero inaayos naman na, tulad sa amin sa NUEVA ECIJA" sagot naman ni kuya. Tapos bigla daw umentra yung isang babaeng Nursing Student ng makapanirang mood ng "NUEVA ECIJA?... SAN YUN?... SASAKAY KA BA NG BARKO TO GET THERE!?" ... natahimik ang lahat ng saglit... namumula na si kuya... pikon na siya sa kayabangan ng mga kausap niya... pero dahil customer is always right daw, timpi pa rin sya...kanina yun... but not this time, kaya sumagot na siya... pero mahinahon pa rin naman... sarcastic lang... "Ay hindi!?... sasakay ka ng kalabaw tapos tatawid ka ng pitong bundok tapos sasakay ka ng traysikel or jeep!" ... hanef...kapika... ano ba ito sa loob-loob ni kuya, tanga kaya talaga siya o nagtatangatangahan lang?... at pa-iigsiin ko na ang istorya... pero for sure mapipikon ka... "tiga saan ka ba miss?" yan ang tanong ni kuya... "tiga Bulacan ako" ... "ay!? Sh*@!... ka- bwiset lang" sa loob-loob ni kuya.... "kala ko matalino...boplaps pala, puro yabang lang!"

No comments: