Friday, May 16, 2008

I, ALL OF THE SUDDEN REMEMBER IT ALL

Ayoko ng ganito,ayoko ng ganitong buhay!
Naaalala ko ng bata pa ako minamaliit ako ng tao, sinasabihan ng kung ano ano tulad ng ala yang batang yan makakapag-asawa ng bata yan, mabubuntis yan, di makakagraduate yan peks man!
well, punyeta kayo! yun lang! look of what i have become, a priceless possession you woudn't wanna take your eyes on! sasabihan nyo ako na mabubuntis ako tangna nyo e hindi nga ako nagbilang ng boyfriend ah! yung first love ko nga (JEFF ARJAY B. RIVERA) 7 years kong iniyakan! from 2nd year high-school (13 y.o) up to 20 y.o iniyakan tapos sasabihin pa ninyo na hindi ako makakagraduate? tanga nyo CUM LAUDE ako! nagpacelebrate si nanay pupunta-punta kayo sa bahay lumamon na nga kayo at lahat may uwi pa kayong plastik bag!
Pambihira talaga tong mga taong ito, pag gising sa umaga hanggang bago matulog sa gabi puro tsismisan, tirahan. siraan, pero pagsila magkakaharap tong-its naman pinagkakaabalahan! ano ba yan! di pa nagmumumog o kaya naman nagmumumog palang ng biglang makarinig ng chismis nilunok yung minumumog tapos humarap sa kapit bahay sabay sabi "talaga?e hindi nga?hay alam nyo eto satin-satin nalang ha pero masama talaga ugali ng taong yan!" Abnormal kayo! kala mo kung sinong malilinis, pagkatapos ng umagahan (CHISMIS ON MENU) gigisingin yung mga anak, ganito ang sabi "Hoy ana gumising kana at may pasok ka pa! late ka na alas siete na!" tapos ang sagot naman ng anak; "maaga pa! fifteen minutes pa" tapos napraning ung nanay "tangnang bata ito ah! dika ba babangun dyan!? bubuhusan kita ng tubig makita mo!" tapos dahil naistorbo na yung tulog ng anak dadabog, hindi magliligpit ng hinigaan tapos maliligo na..." abay bilis bilisan mo naman ang kilos, lunes na lunes tinatamad kang pumasok, kung sinabi mo sana sa akin edi hindi ka nalang sana nag-aral at habang-buhay ka nalang dyan matulog hanggang sa maturat ka!" yan ang kasunod na bunganga nung nanay...syempre sasagot naman yung gago nyang anak, "naliligo na nga eto at tapos na ho!" "magbihis kana at eto nilutuan na kita, bwisit na mga bata ito, kalalaki na mga palamunin pa din!" hindi pa rin matigil ang sermon tapos pagkabihis ng anak at makatapos kumain magtotothbrush daw sya..."Nay! pano ako magcocolgate eh wala ng toothpaste!? (kundi ba naman talagang tanga) "andyan yung safeguard pagtiyagaan mo munang ikaskas sa ipin mo, bubula din yan!" (magkaroon ka naman ng inang ganito JOSKO) "anak ng tupa namang buhay to oh! makalayas na nga...mamaya nako magtotoothbrush pa-uwi ko!" nagmamadaling lumabas " gagong ito dugyot!" sabi ng ina nya...maya maya hindi pa nakakalayo "nay! baon ko pala..." pareklamong sambit ng anak nya "dyan ka magaling pa-baon di mo nakakalimutan! eto bente isoli mo nalang yung sukli!" "hah!?sukli?e pamasahe palang kulang na ito eh tapos hahanapan mo pa ako ng sukli?" sabi ng nagmamaktol na anak "e gago ka pala e di wag kang mamasahe! maglakad ka nalang...konting tipid, yung bwisit mong ama hindi pa nagpapadala!" "Hmpft!" padabog na wika ng anak.
ganito ang kalimitang makikita ninyong pang araw-araw na buhay sa Pinas, kahit na sana gusto ko nalng isekreto ng di na ganong malathala ang baho ng bayan ko e wala akong magagawa dahil kahit ako mismo napipika na!
"Pabagsakin si Gloria!" yan naman ang kalimitang maririnig mo sa mga nagrarally sa EDSA, oo palagi. kundi ba naman mga baliw tong mga kababayan ko, bakit si GLORIA ba ay si DARNA para ipapasan nyo sa kanya ang mga PAGBABAGO na gusto nyong makita!? mga TANGA! ang pag-babago nagmumula sa sarili! palagi nyo sinisigaw sa lansangan tuwing rally na "PANAHON NA PARA TANGGALIN ANG BASURA!" pero ang totoo sarili nyong basura hindi nyo magawang itapon kaya pati mga bunganga nyo nangangamoy na!
Kaya ako hindi bumoboto e, hindi dahil sa ala akong tiwala sa mga kandidato, kundi ayoko na ma-udyo sila sa pagkakasala! aba'y kahit na BISHOP o CARDINAL ka pa basta umupo ka sa pulitika kasing itim mo na ang ita, yan ang paniniwala ng nakakarami at akin namang napapatunayan. bagamat walang taong perpekto, hindi naman yun ang basehan para palagi ka nalang magkasala di ba?anu ka TANGA para hindi mo malaman ang tama sa mali? di ako naniniwala na may taong TANGA pero naniniwala ako ang tao NAGTATANGA-TANGAHAN!
Isa ko pang kinabwibwisit ha, etong mga tao na mahilig mamuna! akala mo sila napakalilinis na mga nilalang, mga ang tingin sa sarili ay sinala (sa bunot!) pero ang totoo napakabaho ng buhay nila kaya nagagawa nilang maghugas kamay nalang at pintasan ang ibang tao para maialis ng tao ang mga mata sa kanila at maibaling sa iba! tignan mo nga naman ano tsk...tsk ang tao talaga ay makasalanan, napakamakasalanan.
yung kapitbahay namin dati, nagkabit-kabitan...happy ah...bakit di mo sasabihin, ung pamangkin ng asawa nya binuntis nya, tapos ung kapatid nya inasawa yung asawa ng isa pang kapatid nya, tapos yung isa pa nyang kapatid inasawa yung asawa ng pinsan naman nya tapos yung kapit bahay nila inasawa yung best-friend ng asawa nya. OMG am I becoming a tattler?hush don't tell anyone..ha ha! freaky nasty street huh? i know. but this is all true!
This is what i hate about my place...i know it happens everywhere and you can not escape that fact,the reason why i wrote this is for us people not to be blinded because sometimes we tend to compromise even we already knew that what WE are doing is very wrong. let us be UNTICONFORMIST, let us go with God's flow! i ain't asking you to be religious cause religions can't save us, all I'm asking is you guys to ask God for his forgiveness thru his son Jesus Christ.
Baka tinatanong nyo kung ako, anu bang ginawa ko? well, all i did is persuade them to commit themselves to God, we can't change ourselves, that would be so hard and yeah fatal!, ask God to change you,he's our potter. guys its redemption time. lets all do this, let us start change wherein this change can start from within us!

No comments: